|
<3:42>
San Simon
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE &
SAVE TARGET
Ang buhay sa
lupa kayraming bagahe
Nababahala ang tao palagi
Naghahanda, bakasakali
Na mayron ngang
Mundong walang hanggan
Ibig ko sanang ipamalita
Ang mahiwagang bayang nakita
Kung saan tanaw ang kalawakan
Ang haring araw, ang dagat at ang buwan
San Simon, San
Simon
San Simon, San Simon
San Simon, San Simon, San Simon
Dito sa lupa ako’y isang mortal
Lakas ay huhupa,
laman ay napapagal
Ngunit ang diwa, kahit hindi gagap
Ibig lumaya,
lumaya nang ganap
Hinahanaphanap kapahingahan
Kung saan laganap ang kabutihan
Kung saan tanaw
ang magpakailanman
Ang haring araw, ang dagat at ang buwan
San Simon, San Simon..
Buhay ay di nga ba sapat
Hangga’t hindi nasusukat ang lahat
Dito sa lupa, kayraming naliligaw
Nagkandarapa,
nababalahaw
Katatanaw kung
saan ang hantungan
Ng haring araw, ng dagat at ng buwan
|