|
<4:30>
Basurero ng Luneta
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE &
SAVE TARGET
Minsan maaabutan nyo
Bandang alas syete alas otso
Dumadami
dun ang mga anino
Ganyan daw
talaga pag nagtitipid
Nagdedeyt
sa mga gilid-gilid
At sa dami dami ng mga lovers
Ang dami
rin ng mga basurang leftovers
Kasama na roon ang mga pa-kyut
Na mga
pangakong langit langit ang abot
Na doon na rin nilimot at nilumot..
Saan ‘ka nyo?
San pa kundi
kung nasan ang madla
Basura ay di
nawawala
Hagis lang ng hagis
Liwasa’y dumudungis
Sino’ng maglilinis kaya
Pag-ibig di’y mayrong akmang pook
Di ba’t sa di nabubulok
Tapon lang ng tapon
Ng mga naipon
Na mga kahapon, ika nga
Ang akin lang ay kurukuro
Paano naman ang hardinero
At katuwang na kaminero
ng bangketa
Sa dami ng taong bolero
Ay malamang ang hirap siguro
Ng buhay ng isang basurero
ng Luneta
Di na naawa ang mga tao
Kinakawawa ang basurero
Di na naawa ang mga tao
Kinakawawa ang basurero
Ang pagliyag may lalagyang laan
Nilalaglag kung saan-saan
Kalat lang ng kalat
Ng mga sinulat,
Lihim, alaala’t sumpa
Ang akin lang
ay kurukuro..
Di na naawa ang
mga tao..
Sa dami ng mga usisero
At sanlaksang balitang kutsero
Kanya-kanyang
kwentong barbero
na maleta
Sa naglipanang mga intrigero
Ay malamang ang hirap siguro
Ng buhay ng isang basurero
ng Luneta
|