|
<4:08> 11.Kapag Sinabi Ko sa Iyo
TO DOWNLOAD MP3, RIGHT CLICK HERE & SAVE TARGET
Kapag sinabi ko sa iyo
Na ika'y minamahal
Na ako'y isang
mortal
Ang mga bituin at
buwan Perlas ng karagatan
Kapag sinabi ko sa iyo
Na ika'y iniibig
Na ako'y
taga-daigdig
Karaniwang
karanasan Pang-araw-araw na pasan
Ako'y hindi romantiko
Sa iyo'y di ko
matitiyak
Kailanma'y di ka
iiyak
Sikapin nating
maabot Sana'y huwag mong ikalungkot
Kapag sinabi ko sa iyo
Na ika'y sinisinta
Mulat ang iyong
mga mata
Ay pandama't
kamalayan Na nabighani sa bayan
Halina't ating pandayin
Isang malayang
daigdig
Isang malayang
pag-ibig
Na ika'y sinusuyo Kasama ang aking mundo |