<8:31>

                     Introduction to Hierarchism Part One:

     Hierarchic Selection The Evolution of Social Substructures

 

#06  Spirituality

 

Huoyh..  kakaantok.  Spirituality wouh!  Tungkol sa multo ba yan?

 

     Ang salitang spirit ay Latin ng hininga, hangin.. tulad ng respiratory system na galing din sa salitang spirit.  Ang ibig lang sabihin ng mga lumang tao sa spirit ay buhay, kasi ang observation nila sa patay ay hindi humihinga.  So, dahil hindi pa nila alam na oxygen at nitrogen lang pala yun na may halong noble gases at impurities, tinawag nilang Spirit na may connotation ng Lifegiver o God.  Kaya yung evil spirit ay ibig sabihin lang ay bad breath.

 

     Which means, for the most part, kaek-ekan lang yang spirituality na yan.  But.. but like many things, it depends on how you define it.  What if we say, itong mga hierarchies na sponsored by biology, physics and ethics are all self-driven.  Which means the will to life, the will to pleasure, the will to power, the will to meaning, to oversimplify Darwin, Freud, Adler and Frankl, are all wills to self-satisfaction.

 

     Which means na ang nag-uudyok ng sugarol na pumusta, ng relihiyoso na magsimba, ng adik na humithit, ng pari na maging celibate, ng Buddhist na mag meditate, ng NPA na mamundok, ng mga health conscious na mag jogging at mag vegetarian, ng mga nagpapapako sa krus tuwing holy week, ng mga nagkakawanggawa, ng mga umiinom, ng mga hindi umiinom, ng mga nagpapahula, fengshui, dianetics, numerology at lahat ng klaseng ungga ungga, ay pare-parehong sariling kapakinabangan at kasiyahan.

 

     Mahirap man o madali, walang nakakaigpaw sa sarili.  Ke huwaran ke huwad, ang sarili ang tinutupad.  Baguhin mo man ang sarili, ang kalalabasan ay bagong sarili.  Mababaw man ang dahilan o malalim, pang sarili pa rin.  Self-gratification is the one true universal inspiration in biology, physics and even in the altruisms of ethics.  In short, ang ating simple equation is M + S = H.  Material condition + Self-interest = Hierarchic Selection.

 

     Now pay attention.  What if we define Spirituality as simply breaking the cycle of self-interest.  Then the beauty of Spirituality is that it solves all hierarchies instantly.  All we need to do is replace Self with Spirituality and the equation is transformed.  Now since material condition is a given, the right side of the equation will have to give way.  Apply a little algebra, and our new equation becomes Material condition + Spiritual intent = A different animal.  No more hierarchies.  Tapos ang lahat ng sufferings.  Amen!

 

     Ang konting problema nga lang ay ganito:  Paano ba yung pag-igpaw sa sarili sa totoong buhay?  Can you recognize spirituality when you see one?  Mayron bang model o pamantayan ng ganung klaseng spirituality na pwede nating gayahin?

 

     Ito subok lang.  Sinubukan kong tingnan kung ano ang sinasabi ng Bible tungkol sa spirituality.  Guess how many times the word spirituality appears in the Bible.  10? 50? 100?  The answer is zero.  Wala sa International Version, wala sa Standard Version, wala sa King James Version, wala sa Amplified Version. 

 

     Binasa ko lahat yun?  Hindi ah!  Madali lang gawin yun, check nyo sa Concordance sa internet.

 

     Ahh may isa pala.  Sa 1Cor 10:27 ng The Message Bible, ang sabi, ‘If a nonbeliever invites you to dinner and you feel like going, go ahead and enjoy yourself; eat everything that is placed before you. It would be both bad manners and bad spirituality to cross-examine your host on the ethical purity of each course as it is served.’ 

 

     Now, the verse doesn’t say what spirituality is, but what spirituality is not.  At ang sinasabi ay, contrary to reports, ang spirituality ay hindi nagpapaka feeling pure and holy.  So ano pala?

 

     To many Christians, ang central message ng gospel ay salvation.  Kaya sa araw araw na lang na ginawa ng Diyos, ganun na lang ang pagpupuri at pasasalamat nila sa Diyos para sa seguridad ng kanilang kaluluwa at prosperidad ng kanilang negosyo.  Sabi nga ng isang born again, ‘Ang laki ng sunog sa amin, yung bahay lang namin ang hindi nasunog!  Ang bait talaga ni Lord!’  Hahhay..

 

     On the other hand, on two occasions, hindi na impress si Moses at si Paul sa salvation itself.  There are more substantial issues in life than personal salvation.  Such as compassion, human solidarity, service. 

 

     Mayrong dalawang instances sa Bible na baka pwede nating gawing benchmark ng spirituality.  Yung isa, Exodus 32:32.  Sabi ni Moses, ‘And now please forgive their sin.. if not, then erase my name from the book you have written.’ 

 

     At yung isa pa ay nasa Romans 9:3.  Sabi ni Paul, ‘I wish I could help my brothers and sisters, my people.  I would even wish that I were cursed and cut off from Christ if that would help them.’

 

     Its like saying, mas interesado ako sa eternal justice kaysa eternal reward, at mas makabuluhan sa akin and everlasting compassion kaysa everlasting life.

 

     It also makes perfect ethical sense.  Yung isang sense, ayaw mong mapariwara kahit yung mga nagkasala.  Yung kabilang sense naman, ayaw mong mabalewala ang pagsasamantala.  Kaya ka naniniwala na tuloytuloy ang buhay sa kabila. 

 

     Ganito kasi yun, sinisikap natin, abot ng ating makakaya, na mabigyang hustisya ang lahat ng mga inaaba.  Pero ang realidad sa araw-araw, naglipana ang mga nabubugbog na asawa, nadadayang manggagawa, nasasaktang mga bata, nakukulong na walang sala, naaaping madla – na namamatay na lang na walang katarungang napala.

 

     Kaya mong tanggapin, na sorry na lang sila?  Then good for you.

 

 

     And that completes Part One of our Introduction to Hierarchism.

 

     Maraming salamat po, and see you again sa Part Two. ~~