<7:56>

                     Introduction to Hierarchism Part Two:

Hierarchic Projection The Development of Social Superstructures

 

#08  Pedagogy

 

Kahit hindi gwapo, kahit na hindi matalino..  Ayaw ko yung kantang yon.  Discriminatory!  Paano naman kami?  Ewan ko sa ngayon, pero dati importante ang karunungan.  At kaya may mga expressions na tulad ng Knowledge is power, o di kaya Mag-aasawa ka na? anong alam mo sa buhay? at pangutya na hmph! Low iQ.  Sagot naman ng boypren I like you too.

 

     At isang categorya nga ng superstructure, o pinagkakaabalhan ng mga tao, is the production and transmission of knowledge.  At yun ang ibig sabihin natin ng Pedagogy. 

 

     Trivia, the word pedagogy comes from Paidagogos, which literally means child-leader, at yun ang tawag sa isang slave who took children to and from school.  Driver ng school bus, in other words. 

 

     Sa Latin naman, at dun din sa amin sa Davao, ang pedagogy ay simpleng Education.  Now, ang natututunan mo sa paaralan ay depende sa kung ano ang nasa curriculum.  At minsan depende rin sa kung sino ang nagpapaaral sa iyo.  Daming ganyan, gusto mag nurse, pero gusto ng magulang magduktor.  Kaya pagkatapos magduktor, nag nurse.

 

     Selective ang teaching, selective din ang learning.  Sabi nga ni Paul Simon ..man hears what he wants to hear and disregards the rest.  At ang nagdidikta kung ano ang pag-aaralan at ano ang ituturo ay ang mga nasa poder sa hierarchies ng Ecology, Genders, Economics and Belief Systems.  How so?

 

     Now this is where it gets a little tricky.  Sa unibersidad, may tatlong general disciplines: natural science, social science, and the arts.  Mahirap himayin kung hanggang saan ba ang scope ng mga ito dahil madalas namang magkahaluhalo ang mga elements ng mga ito.  Kailangan mo ng engineering ng kulungan para parusahan ang lumalabag sa batas.  At kailangan mo rin ng chemistry ng pintura para makapaglikha si Van Gogh ng kanyang mga obra maestra.

 

     So, i-simplify natin ng konti.  Technology, Politics and Culture ang gagawin nating mga daluyan ng pedagogical superstructure.  Ang technology ay hardware, ang politics and culture ay software.  Ano naman yung hardware at software?  Pati ba naman yun ipaliliwanag ko pa?  Clue na lang, hindi po yun tindahan.

 

     Pero, ano naman ang pagkakaiba ng political at cultural?  Ahh, very good and very difficult question.  I-simplify uli natin.  Sabihin natin ang political ay required (sa ayaw mo’t gusto, gagawin mo) at ang cultural ay optional (hindi ka ikukulong kung hindi mo gagawin).  Kung baga sa kurso, may required units at may electives.  Halimbawa, para rin matulungan ang batang nagpapalimos sa kalye, bahagi ng iyong buwis ay ibibigay sa DSWD.  Whether you like me or not, you have to pay taxes, dahil yan ang batas, o public policy, o polity, o politics, o political will.

 

     Pero pwede ring kusang loob mong damayan yung bata, halimbawa sa pagsuporta ng mga programa ng CARITAS.  At mas malamang na may kahihinatnan pa yun kesa sa hinayupak na gobyerno na yan.  Hindi sapilitan, hindi ka required, pero nagkataong bahagi na kasi yon ng iyong kultura.  Hindi legislated, hindi mandatory, pero pinaniniwalaan at ginagawa ng mga tao.  Yan ang ibig sabihin natin ng Cultural.

 

     Now, balik tayo sa Pedagogy.  Who do you think sets the priorities in the accumulation and proliferation of Technological, Political and Cultural knowhow and consciousness?  ..Correct!  Ang mga uring nangingibabaw.  Ang kaalaman, ang laman ng teknolohiya, ng batas, at ng kultura ay pabor sa humans, sa kalalakihan, sa mga mayayaman, at sa mga dominanteng ideolohiya.

 

     I-survey nga natin..

     Sa Technology, humans ang nag-imbento, siyempre pabor sa humans ang mga hunting methods and tools; ginagawang guinea pig ang guinea pig; mas maraming birth control techniques na pambabae, mas nasa babae ang burden ng contraception;

 

     Ang cutting edge science ng digital cryptography secures the advantage of the information rich against the information poor; at ang mga state of the art weapons of war and surveillance systems ensure fundamentalism, whether American, Islam, Marxist or what have you.

 

     Sa Policy naman tayo, walang magawa ang ibon pag dinidemolish ang kanyang tirahan - wala ngang magawa ang mga squatters, ibon pa!; hindi pwede ang bakla sa military, ..yun ang sabi;

 

     Ang mga rules ng trade, banking, property, taxation, litigation, copyright - protect rich people and rich countries; at tulad ng anak ko, hindi maka-enrol sa kapitbahay naming Catholic school kasi ang batas nila dapat baptized Catholic ka.

 

     At sa Culture, demonyo ang turing sa ahas, binobonsai ang mga trees, at kaya hindi na ako nagvevegetarian, kasi naaawa ako sa mga plants; ang bata di pwede sumagot sa matanda; macho ang bida sa pelikula;

 

     Ang nasa tuktok ng trak ng santacruzan ay syempre anak mayaman; at ang kultura ng mga katutubo sa Mindanao ay nilusaw ng mga relihiyon ng imperialistang Moro at Kristiyano.

                       

     Kaya kung ang sadya nga natin ay ang ikabubuti ng pangkalahatan, ang hamon ng progresibong Pedagogy ay ang pagpupursige ng mga akmang teknonohiya, patakaran at mga kaugalian na umaatupag sa kapakanan ng kalikasan, kababaihan, kabataan, may kapansanan, mahihirap, mahihina at minoridad.

 

     Kung ganun, dapat maging kritikal, at siyasatin ang bawat itinuturing at binabansagang kaunlaran, at

 

     Ugaliing magtanong ng

     Para Kanino Ba Yan?

     Technological

     Progress For Whom?

     Political

     Policies For Whom?

     Cultural

     Practices For Whom?

 

     For your time, thank you. ~~