<9:23>

                     Introduction to Hierarchism Part Two:

Hierarchic Projection The Development of Social Superstructures

 

#09  Communities

 

Pwera bisita! Pwera bisita!  Alam ba ninyo kung ano yun?  Hindi kayo sumasakay ng barko ano.  Ang sarap sumakay sa barko!  Huwag nga lang yung maalon.  Haa, Gusto nyong subukan? Panoorin nyo na lang yung first couple, para na rin kayong sumakay ng barko.  Kakasuka.

 

     Ang communities ay parang barko.  Tayo ay pasahero ng ating planeta, lulan din tayo ng bangkang Pilipinas, magkakasama sa barangay at kapitbahayan, at magkakaniig sa ating mga kamag-anak at kaibigan.  In other words, bahagi tayo ng ating global, national, local and personal communities.

 

     Paano nga ba nagkaroon ng mga collectives na ito?  Yung Global, obviously, iisang planeta tayo.  Yun namang Personal, obvious din, may mga magulang tayo.  At kagaya ng ibang species, lalo na ng mga mammals, and primates in particular, may mga pamilya tayo at mga kaibigan.  Ano nga ba ang origin ng family?  Nakuh! malaking debate yan, ipagpaliban muna natin yan.

 

     But what about the National and Local communities?  Paano nangyari at mayron tayong bansa, probinsya, munisipyo at barangay?  Hmm.. Well, obviously, the human population is increasing, meaning nagsimula sa konti.  In short, necessary social inventions ang local and national communities.  Habang dumadami ang tao, dumadami ang conflicts, kailangan ng settlement.  At yun ang mismo ang ibig sabihin ng human settlements.  Nations and their local units are the results of settling human disputes.

 

     Water and war.  Tubig at langis ang dahilan kung bakit may mga bayan, lunsod, mga zona at mga rehiyon.  Dahil sa tubig, ang mga lupain ay hindi magkakadikit.  At dahil sa langis (at mga natural, industrial and social wealth), tribes, nations and modern countries go to war to rewrite history and revise the map.

 

     I’m sorry to disappoint some of you, pero hindi tutuo na lumikha ang Diyos ng lahing Pilipino.  If we go by recent anthropogenetic evidence, ang ating mga ninuno ay salinlahi ng mga napadpad galing sa unang humans sa Africa malamang, possibly via Indochina.  Wala tayong tinatawag na dugong Pilipino.  Nadaig ng imperyong Espanya ang mga imperyalistang Moro, at sapilitan nila tayong pinagsama-sama bilang isang bansa, at binansagang Filipino, na galing sa pangalan ni King Philip.

 

     Nilako naman tayo ng Espanyol sa mga Amerikano sa isang scripted battle sa Manila Bay.   At tulad ng lahat ng gera, pinagsamantalahan ng mga Amerikano ang ating mga kalupaan, at tinuruan pa nila tayo ng A as in Epol.  Kaya ang naging tingin naman ng mga Pilipino sa sarili ay magaling kung marunong mag-ingles.  Nonsense!  Ingles yun.

 

     Ang mga provinces at municipalities naman, ay kadalasan ilog ang boundary, tubig.  At kung may mga rival political warlords sa isang probinsya halimbawa, para ma settle ang gulo kahit paano, hinahati na lang ito sa dalawa at gagawa ng panibagong probinsya.

 

     Now, kung hahayaan lang natin na ganyan, laging kawawa ang mga mahihina.  Some people have no problems with that.  Ganyan lang talaga, survival of the fittest.  Pero marami rin ang tingin nila, hindi yata tama yun. 

 

     Kaya naman naimbento ang Human Rights at ang Democracy. 

 

     The Universal Declaration of Human Rights aims to guarantee all humans a minimum standard social insurance.  By extension, we have civil liberties, minority rights, affirmative action and preferential treatment of the disadvantaged.  At sana, magiging uso na rin ang animal rights, plant rights, mountain rights, ocean rights, alrights!

 

     Nasan na ba tayo.. ayun..

 

     Ito namang Demokrasya, ay pagtitiyak na ang interes ng karamihan, at hindi ng iilang makapangyarihan, ang siyang kahuhumalingan ng isang demokratikong lipunan.  At yan ay mamaya natin babalikan..

 

     Now the question is, which should take primacy and precedence?  Alin nga ba ang mas pangunahin at mas importante: Global, national, local o personal interest?  Sabi ni Bonifacio, aling pag-ibig ba ang hihigit kaya kaysa pag-ibig sa tinubuang lupa, wala na nga wala; sabi ni Jesus, no one has greater love than to lay down one’s life for his friends; sabi naman ni Linda Creed at Michael Masser, learning to love your self is the greatest love of all; sabi ni St. John, for God so loved the world; at sabi ng mga taga-Bohol, kung ikaw inday mangitag pamanhunon, siguruha gajud inday nga Bol-anon.  Bol-anon nga pala ako.

 

     Baka nga mahalaga lahat.  Kaya ang hangad natin ay ang kapakanan ng lahat ng mga communities na ito, at alalahaning:

 

     Nakabubuti sa bayan, sa pamayanan, sa pakikipagkapwa at sa kabuuan ang pagpapahalaga sa kalikasan, ang pagtutugma ng mga kakanyahan, ang kasaganahang sapat at ang pag-unawa sa mga paniniwala.

 

     Sa kabilang dako, Nakasasama sa bayan, sa pamayanan, sa pakikipagkapwa at sa kabuuan ang pagsira sa kalikasan, ang pagtatangi sa mga kakanyahan, ang sobra-sobra at kulang na kulang, at ang paghamak sa mga paniniwala.

 

     Very quickly, sandaling-sandali na lang to, balik tayo sa Democracy.  Sa Representative democracy, ang kumakatawan sa atin ang nagdedesisyon.  Madalas sablay ito.  Halimbawa, gusto ng 70% ng publiko na ituloy ang impeachment ni GMA, pero baliktad ang pasya ng house of representatives, hmmp..  Sa Inter-personal democracy naman, familial and personal ties ang namamayagpag sa decision making.  Sablay din.  Tingnan nyo na lang yung epekto ng pamahalaan na namumutiktik sa mga kamag-anak at kaibigan.

 

     Kaya, in order for democracy to work in all communities, mahalaga na magsanay tayo sa Communitarian democracy -- yung walang nag-rerepresent sa iyo kung hindi ikaw mismo, ngunit bukas ang iyong loob na pumaloob sa pasya ng nakararami.  At natural, ito ay mas buhay sa mga maliliit na komunidad, yung tipong kaya pang magkarinigan kahit walang sound system.  Tulad ng mga people’s organizations, cooperatives, neighborhood associations, local church, mothers club, youth groups, intentional communities, volunteer brigades, professional guilds, and societies of artists, academics, journalists, sports enthusiasts.

 

     Ang sabi nga ni Lord, Where 2 or 3 are gathered in my name..  Not 1000, but also not 1.  Let us therefore pursue

 

     Democracy, not centralism

     Integrity, not individualism

 

 

     And we’re done!  Thank you for your time. ~~